^

Metro

‘Spakol’ sa Pasay sinalakay: Maintainer timbog, 5 nasagip

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babaeng nagpapatakbo ng isang wellness spa na diumano’y may extra sexual service o “spakol” na inaalok sa mga parokyano sa Pasay City, Sabado ng gabi.

Kinilala ang inares­tong suspek na si alyas “Clarissa”, 26-anyos, maintainer at nagsislbing cashier ng sinalakay na Relaxsense Sircon Welnes Spa na mata­tagpuan sa F.B. Harrison St., Pasay City.

Limang therapist na kinabibilangan ng tatlong babae at dalawang lalaki ang na-rescue ng mga awtoridad sa raid.

Sa ulat ng Pasay City Police, may nakalap na impormasyon ang Station Intelligence Section (SIS) na nagbunsod sa ikinasang operasyon  dakong alas-10:30 ng gabi ng Hunyo 8 nang isagawa ang operasyon laban sa nasabing establisyemento.

Sa pangunguna ni Pasay City Police ­acting chief, P/Col. Samuel Pabonita, sinalakay ang nasabing spa ng SIS kasama ang mga tauhan Investigation and Detective Management Section (IDMS), Women and Children’s Protection Desk (WCPD) at Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng Pasay City government.

Nasamsam ang isang kahon ng trust condom na pinaniniwalaang pinagagamit sa parokyano na may extra service na pakikipagtalik. Hindi naman nadatnan sa nasa­bing spa ang sinasabing may-ari nito na isang alyas “Raymond”.

Si alyas “Clarissa” kasama si alyas “Raymond” ay ipaghaharap na ng reklamong paglabag sa Republic Act 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Person Act of 2012) sa Pasay City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with