^

Metro

2 Pakistani timbog sa P235 milyong ketamine!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 Pakistani timbog sa P235 milyong ketamine!
Ang target suspect na nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa paglabag sa Sections 11 at 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 ay kinilalang si Zahid Rafique Pasha alyas “ZP”, nanunuluyan sa Malate, Maynila.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

Joint buy-bust ops sa Maynila

MANILA, Philippines — Dalawang Pakistani national ang naaresto nang makumpiskahan ng may P235-milyong halaga ng illegal na drogang ketamine ng pinagsanib na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Malate, Maynila nitong Huwebes ng gabi.

Ang target suspect na nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa paglabag sa Sections 11 at 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 ay kinilalang si Zahid Rafique Pasha alyas “ZP”, nanunuluyan sa Malate, Maynila.

Naaresto rin sa operasyon si Akram Muhammad Faheem, 59-anyos, isa ring Pakistani national at naninirahan sa Parañaque City.

Sa ulat, dakong alas-9:10 ng gabi ng Hunyo 6, 2024 nang maaresto ang dalawang dayuhan sa parking lot ng Diamond Hotel, sa service road ng Roxas Boulevard sa Malate.

Nanguna sa operasyon ang PNP-Intelligence and Foreign Liaison Division-Drug Enforcement Group (PNP-IFLD-DEG), kasama ang Special Operations Unit ng National Capital Region Police Office, PNP-DEG; Batangas Provincial Police Office; Criminal Investigation and Detection Group, RFU 4A; Regional Intelligence Division-PRO 4A; Regional Intel Division (RID)-NCRPO; RPDEU, PRO 4A; RPDEU, NCRPO; Malate Police Station 5; Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Immigration-Fugitive Section.

Nasamsam sa operasyon  ang 10 malalaking plastic na may label na A2 Business Inc. Citric Acid Powder, na naglalaman ng hinihinalang ketamine na may timbang na 47 kilos at nagkakahalaga ng P235,000,000.

Kabilang din sa kinumpiska ang isang Iphone 15; ilang pirasong hotel cards, ATM card; trolley bag na may 23 milyong boodle money at 2-genuine P1,000 bills; itim na Fortuner na may plakang NFZ 6509; isang Morris Garages vehicle na may plakang NHb 5325; at P5,750 cash.

Kasabay ng pagsasagawa ng imbentaryo, hinalughog ng mga operatiba ang lugar para tugisin ang kasama pang dayuhan ng suspek na matagumpay na naaresto sa operasyon.

TIMBOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with