^

Metro

Warehouse sa Valenzuela na may Chinese flag, pinadlak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Warehouse sa Valenzuela na may Chinese flag, pinadlak
Wes Gatchalian (Valenzuela City) in a photo posted on his Facebook account.

MANILA, Philippines — Ipinasara ng Valenzuela City government ang  isang bodega sa Barangay Bignay na kinakitaan ng watawat ng China matapos na madiskubreng wala itong business permit.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Wes ­Gatchalian, agad niyang inutos ang pagpa-padlock sa STR Power Equipment Corp bunsod ng kawalan ng  Mayor’s at business permit.

Napag-alamang nagsagawa ng inspeksiyon ang Valenzuela LGU kasunod ng ulat ng paglalagay ng watawat ng China ng nasabing establisimyento.

Ani Gatchalian, paglabag ito sa Section 34 (h) of Republic Act No. 8491, also known as the Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Nabuking din sa ­inspeksyon na bukod sa kumpanyang STR, may dalawa pang kompanya ang nag-ookupa sa compound na dayuhan ang mga empleyado.

Bineberipika na ng City Hall kung may wor­king visas ang mga naturang dayuhan.

Una nang ikinatuwiran ng nasabing korporasyon na ginagamit lamang nila ang nasabing watawat sa mga kalapati at may isang taon na itong nakataas.

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with