Unmodified Opinion mula COA, nakopo ng Quezon City sa ika-4 na beses

MANILA, Philippines —  Nakopo ng Quezon City government ang “Unmodified Opinion” mula sa Commission on Audit (COA) para sa ikaapat na beses ngayong 2024.

Sinasabing ito ay patunay lamang na ang QC government ay tahasang tinutupad ang commitment na magkaroon ng transparency, accoun­tability, at sound financial management ng lokal na pamahalaan.

“Unmodified opinion (also referred to as unqualified opinion) is issued when the auditor concludes that the financial statements are prepared, in all material respects, in accordance with the applicable financial reporting framework. It underscores the city’s unwavering dedication to upholding the highest standards of governance and fiscal responsibility,” ayon sa COA.

Mariing pinasalamatan ni QC Mayor Joy Belmonte ang dedikas­yon at sipag sa trabaho ng financial management team at lahat ng empleyado ng QC para matiyak ang integridad ng financial operations ng QC.

“We offer this to all Quezon City citizens. This achievement reflects our relentless pursuit of excellence in public service and our commitment to the welfare of our constituents,” sabi ni Mayor Belmonte.

Dahil sa apat na sunud-sunod na Unmodified Opinion, ang Quezon City Government ay patuloy na magtatakda ng benchmark para sa isang epektibong pamamahala at financial stewardship sa Pilipinas.

Patuloy namang ipatutupad ng QC-LGU ang misyon na maipagkaloob ang epektibo at transpa­rent services para maiangat ang buhay ng mga residente ng QC at patuloy na maging kaagapay ng pamahalaan sa pag-unlad para sa mamamayan.

Show comments