Nawawalang PDL sa NBP, nadiskubreng nagtatago sa ALS School

MANILA, Philippines — Iniulat ng Bureau of Corrections (BuCor) na natagpuan na ang isang person deprived of liberty (PDL) sa New Bilibid Prison (NBP) na una nang hindi matagpuan nitong Miyerkules.

Sa ulat na isinumite kahapon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ni NBP Acting Supt. Corrections Chief Inspector Roger Boncales, ang  PDL na si Jonathan  Villamor ng Dorm 6A Medium Security Camp.

Sinasabing “missing” si Villamor dakong alas-4:00 ng hapon ng Miyerkules, Hunyo 5, sa isinagawang head count.

Agad na nagsagawa ng pagrikisa sa lahat ng pasilidad sa NBP compound hanggang sa matuklasan na nagtatago sa loob ng Ste Harry (dating Alternative Learning System-Basic Literacy Program ALS-BDP School) na nasa loob ng NBP- MedSeCamp.

Dahil dito, iniutos ni Catapang sa lahat ng corrections officers na mag-inspeksyon kada-5 minuto lalo na sa mga nakatalaga na PDLs sa agricultural work.

“In that case, we will be able to track them down immediately to know their whereabouts should they not be on their designated work assignments,” ani Catapang.

Show comments