‘Rainbow desk’ ng LGBTQIA+ itatatag sa Muntinlupa
MANILA, Philippines — Nakatakdang magtatag ng “Rainbow Desk” ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa na tututok sa pagtugon sa mga alalahanin at pangangailangan ng LGBTQIA+ community.
“Our LGBTQIA+ community deserves protection and support. This initiative underscores our commitment to fostering inclusivity and equality across all levels and sectors,” ani Mayor Ruffy Biazon.
Ang Rainbow Desk na itatatag sa Gender and Development (GAD) Office sa City Hall, ay magpapatupad ng mga komprehensibong programa, proyekto, at aktibidad upang makinabang ang LGBTQIA+ community. Kabilang dito ang pagbabalangkas ng patakaran, pamamahala ng data, pagsubaybay at pagsusuri, pagtatatag ng partnership, at mga hakbangin sa napapanatiling empowerment.
Sa kasalukuyan, ang GAD Office ay nangunguna sa iba’t ibang mga programa sa pagsasanay at mga aktibidad sa kabuhayan para sa LGBTQIA+ community sa Muntinlupa.
Ipagdiriwang ng Muntinlupa ang Pride Month sa iba’t ibang aktibidad, kabilang ang health and wellness day, isang seminar sa sexual orientation at gender identity, at ang LGBT Congress 2024.
Ang Bahaghari Advisory Council, na binubuo ng mga miyembro mula sa iba’t ibang sektor ay nagpulong kamakailan upang talakayin ang mga hakbangin na ito.
- Latest