Watawat ng China sa warehouse sa Valenzuela, kinumpiska!

MANILA, Philippines — Tinanggal at kinumpiska ng Valenzuela City Police ang watawat ng China na nakatirik sa isang warehouse sa lungsod.

Ayon sa Valenzuela City Police, nakikipag-ugna­yan na sila sa may-ari ng warehouse upang malaman ang dahilan ng paglalagay ng watawat ng China.

Nabatid sa secretary ng warehouse na noon pang isang taon nakataas ang bandila ng China sa kanilang lugar.

Marami aniya silang empleyadong Pinoy kaya wala silang anumang intensiyon sa paglalagay nito.

Ipinaliwanag na ginagamit lamang nila ang watawat para sa mga kalapati.

Pinag-aaralan na ngayon ng Bignay Police Station 7 ng Valenzuela kung ay paglabag ang nasabing warehouse.

Show comments