Babaeng dalaw sa Pasay jail tiklo sa marijuana sa ari

Sa report na isinumite kay Jail Chief Supt. Clint Russel Tangeres, inaresto ang suspek na si alyas “Aira” nang makuhanan sa strip search/visual body cavity search ng isang glasss test tube na naglalaman ng marijuana.
AFP / Geoffroy Van der Hasselt

MANILA, Philippines — Bigong maipuslit ng isang babaeng dalaw ang dala niyang pinatuyong marijuana na isiniksik sa kanyang private part nang matuklasan sa pagdaan niya sa searching room, habang papasok sa male dormitory ng Pasay City Jail nitong Sabado, iniulat kahapon.

Sa report na isinumite kay Jail Chief Supt. Clint Russel Tangeres, inaresto ang suspek na si alyas “Aira” nang makuhanan sa strip search/visual body cavity search ng isang glasss test tube na naglalaman ng marijuana.

Ang marijuana na nakalagay sa loob ng glass test tube ay nakapasok sa isang condom na ipinasak sa loob ng ari ng babaeng dalaw.

Nabatid na dadalaw ang suspek sa kapatid na si alyas “Michael”, isang person deprived of liberty (PDL) na nakapiit sa male dormitory nitong Hunyo 1.

Inihahanda na ang mga dokumentong susuporta para sa kasong kriminal na ihahain laban sa suspek,

Show comments