^

Metro

Gunman sa Makati road rage, kinasuhan ng murder

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagharap na ng kasong murder sa Makati City Prosecutor’s Office ang suspek sa Makati road rage na ikinasawi ng isang 65-anyos na family driver noong Mayo 28, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Alas-10:00 ng umaga nitong Biyernes, Mayo 31, nang isailalim sa inquest proceedings ang suspek na si Gerrard Raymund Talusan Yu, sa tanggapan ni Makati City Prosecutor Francis Emmanuel DC Panganiban.

Kasama ni Yu ang kaniyang abogado, na nag-waive na ng karapatang sumailalim sa preliminary investi­gation (PI).

Nangangahulugang ang complaint ay submitted for resolution na o pagpapasiyahan ng piskalya batay sa mga ipinrisintang ebidensya.

Sinabi ni NCRPO chief, P/Major general Jose Melencio Nartatez Jr na aksyon na ito at ang malalim na imbestigas­yon ay kumakatawan sa isang malinaw na pagpapakita ng zero-to­lerance policy ng NCRPO sa karahasan at kriminalidad.

Kabilang sa isinumite ang investigation report, ballistic at forensic analysis at ang sasakyan ni Yu at baril na ginamit.

NCPRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with