^

Metro

QC -LGU may hiwalay na graduation rites para sa LGBTQIA+

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
QC -LGU may hiwalay na graduation rites para sa LGBTQIA+
Students from the City University of Pasay gather on February 21, 2024 at the Philippine International Convention Center for their graduation ceremony.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Mayroon nang hiwalay na graduation rites na ipa­tutupad ang Quezon City government para sa mga graduating high school o college students sa lungsod na hindi napayagan na magmartsa na nakasuot ng kanilang march in gender-affirming attire.

Ito ay makaraang ia­nunsyo ng QC-LGU na sa Hunyo 22 ay magsasa­gawa ng “Graduation Rights: March with Pride in QC” na isang espesyal na akti­bidad para ipagdiwang ang ika-85 taong anibersaryo ng QC.

Sinasabing may ilang mag-aaral na bahagi ng LGBTQIA+ community ang hindi napayagan na magmartsa kung hindi isusuot ang dress code ng paaralan kahit na may utos ang Department of Education na ipatupad ang  “gender-responsive basic education policy” sa lahat ng pa­aralan.

“Graduation rites are everyone’s rights, regardless of expression. In Que­zon City, you have the right to express your truth, no matter your SOGIE,” sabi ni Belmonte.

May hanggang Hunyo 7 naman ang mga mag-aaral mula sa naturang komunidad para magrehistro at makasama sa naturang graduation rites.

vuukle comment

LGBTQIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with