^

Metro

Libreng cancer center itatayo sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pangungunahan nina Manila Mayor Honey Lacuna at Congressman Irwin Tieng (5th district), ang groundbreaking ceremony sa itatayong Manila Cancer Center sa darating na Hunyo na magiging libre para sa mga Manilenyo.

Inanunsyo ni Tieng sa pagdalo niya sa MACHRA Balitaan forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), na bukod sa alkalde, dadalo rin si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, mga senior officials ng  Kongreso at iba pang congressmen ng Maynila.

Ang MCC, na una sa lungsod, ay magbibigay ng mga kinakailangang serbisyo para sa mga dumaranas ng cancer nang walang bayad sa mga pasyente.

Ang 2,000 square meters na inilaan ng alkalde para sa 5-palapag na MCC ay itatayo sa compound ng Ospital ng Maynila (OM) compound at ipapangalan sa yumaong Gov. Benjamin “Kokoy” Romualdez, ama ni Speaker Romualdez.  Ang OM ay isa sa anim na pampublikong ospital na pinatatakbo ng pamahalaan at nag­bibigay ng libreng serbisyong medikal para sa mga residente ng Maynila.

Sinabi niya na dahil ang mga pondo para sa MCC ay hindi unlimited, una munang ilalagay ang CT scan at isang linear accelerator upang mabigyan ang mga pasyente ng non-invasive radiation therapy.

CANCER CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with