Kalsada gumuho sa Valenzuela, 26 pamilya inilikas
MANILA, Philippines — Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City na prayoridad at tinututukan nila ngayon ang kapakanan ng higit sa 20 pamilyang inilikas dahil sa gumuhong bahagi ng kalsada sa Brgy. Karuhatan sa kasagsagan ng bagyong Aghon.
Ang nasabing kalsada na matatagpuan sa San Agustin Street na katabi lamang ng ginagawang bagong gusali ng Valenzuela City Hall.
Nauna nang namahagi ang pamahalaang lungsod ng meals at family comfort packs sa 26 na pamilyang apektado at inilikas sa Malinta Junior High School campus.
Bukod dito, nangako rin ang LGU na magkakaloob ng tig-?20,000 financial assistance para sa mga apektado.
Kasunod nito, tiniyak ng pamahalaang lungsod na ongoing na rin ang imbestigasyon nito sa nangyaring pagguho at handang panagutin ang private contractor sa oras na matukoy na may pananagutan ito sa nangyari.
- Latest