^

Metro

Taas-presyo sa petrolyo, ipatutupad ngayon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Taas-presyo sa petrolyo, ipatutupad ngayon
Inanunsyo ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, at Chevron Philippines nitong Lunes na magtataas sila ng presyo ng diesel at gasolina ng P0.40 sa kada litro at kerosene ng P0.30 sa kada litro, gayundin ang maliliit na oil player na Seaoil Philippines at Flying V, epektibo Alas-6:00 ng umaga ng Martes.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng dagdag presyo ang tatlong pangunahing oil companies at mga independent player ngayong martes.

Inanunsyo ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, at Chevron Philippines nitong Lunes na magtataas sila ng presyo ng diesel at gasolina ng P0.40 sa kada litro at kerosene ng P0.30 sa kada litro, gayundin ang maliliit na oil player na Seaoil Philippines at Flying V, epektibo Alas-6:00 ng umaga ng Martes.

Ito ang ikalawang linggo ng pagtaas ng presyo ng diesel at kerosene kasunod ng magkahalong price adjustments na isinagawa ng mga lokal na kumpanya ng langis noong nakaraang linggo.

Dalawang iba pang malalaking kumpanya ng ­langis, ang PTT Philippines at Total Philippines na may parehong price adjustments sa produktong gasolina at diesel, subalit wala silang kerosene, pagsapit ng alas-6:01 ng umaga ngayong araw.

Ang mga independent oil company na hindi rin nagbebenta ng kerosene tulad ng Petro Gazz, Unioil Philippines, Phoenix Petroleum, Jetti Petroleum at Eastern Petroleum ay magpapatupad rin parehong price adjustments ng alas-6:00 ng umaga habang ang Clean Fuel ay bandang hapon o alas-4:01 ng hapon ng Martes.

Ayon sa oil industry sources, ang pangunahing dahilan na nakaapekto sa presyuhan ng langis ay ang anticipation na mapanatili ang production cuts ng Organization of the Petroleum Exporting Countries at mga kaalyado nito at ang pagbaba ng halaga ng piso (Philippine peso) laban sa dolyar (US dollar).

vuukle comment

FUEL

OIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with