Kauna-unahang Cavite Tourism Passport, inilunsad

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), sa pakikipagtulungan ng Cavite Tourism at suportado ng Department of Interior and Local Government (DILG) CALABARZON, ang kauna-unahang Cavite Tourism Passport.

Ang launching event ay dinaluhan ni Amadeo Mayor Redel John Dionisio, mga tourism officer ng Cavite, at iba’t ibang lifestyle content creators at media partners.

Ang Cavite Tourism Passport ay naglalayon na hikayatin ang mga turista na tuklasin ang mayamang pamana, kultura, at magkakaibang destinasyon sa loob ng Cavite.

Sa pamamagitan ng makabagong programang pasaporte na ito, ang mga kalahok ay maaaring mangolekta ng mga selyo mula sa iba’t ibang atraksyon at kategorya ng turismo para sa pagkakataong manalo ng mga kapana-panabik na token mula sa MPT South at mga kasosyo nito. Ang programa ay tatakbo mula Mayo 24, 2024 hanggang Disyembre 31, 2024.

Maaaring ma-redeem ang mga pasaporte sa mga kasosyong establisyimento, mga opisina ng turismo sa Cavite, at sa CALAX Customer Service Cen­ter.

“With the development of the “Biyaheng South Tourism Passport,” we have revolutionized local tourism. Travelers can feel even more motivated to discover and engage with Cavite’s beautiful landscapes, and diverse selection of products and services, which also provides opportunities for our local businesses to flourish,” ani Ariel Iglesia, Regional Director ng DILG IV-A.

Show comments