^

Metro

500 pang PDLs mula NBP, inilipat sa Davao Prison

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang pang batch ng 500 persons  deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison ang inilipat kahapon sa Davao Prison and Penal Farm bilang bahagi ng programa ng  Bureau of Corrections para i-decongest ang national penitentiary.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na sa mga inilipat, 250 PDLs ay nagmula sa Maximum Security Camp, 50 sa Medium Security Camp at 200 sa Reception and Diagnostic Center (RDC) 250.

Ang RDC ay isang espesyal na yunit sa loob ng pasilidad ng BuCor kung saan ang mga bagong bilanggo ay sumasailalim sa diagnostic na pagsusuri, pag-aaral at obserbasyon para sa pagtukoy ng programa ng paggamot at pagsasanay na pinakaangkop sa kanilang mga pangangailangan at sa institusyon kung saan sila dapat ilipat.

Ipinaliwanag ni  Catapang na  dahil nasa pro­seso na ang BuCor sa pag-decongest ng NBP at bilang paghahanda sa pagsasara ng NBP bago ang 2028, hindi na nagdaragdag pa ng mga bagong pasok na PDL sa NBP,” ani  Catapang.

Nangangahulugang ang mga bagong PDL ay mananatili sa RDC sa loob ng 60 araw at pagkatapos nito, sila ay ililipat sa operating prison at penal farm sa labas ng Metro Manila.

Kabilang sa mga hu­ling PDLs na ipinasok sa RDC ay ang mga convic­ted sina Deniece Cornejo, Cedric Lee, Simeon Raz at Ferdinand Guerrero na nahatulan ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkabilanggo sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng actor-TV host na si Vhong Navarro. 

GREGORIO PIO CATAPANG JR.

PDLS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with