MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang publiko sa paggamit ng Magic Sugar o Sodium Cyclamate na ginagamit ng ilan sa pagkain at beverages para maglasang matamis.
Batay sa pag-aaral ng mga health experts, ang magic sugar o artificial sweetener ay nagiging ugat ng sakit na cancer, nagpapataas ng blood sugar at gut health.
Taong 2013 nang alisin ng FDA ang ban sa magic sugar sa Pilipinas. Patuloy namang ban ang paggamit ng magic sugar sa US dahil napatunayan sa pag-aaral nila na nagkaroon ng bladder cancer ang daga na ginamitan ng magic sugar.
Kaugnay nito, inanunsyo rin ni SRA administrator Pablo Azcona ang planong pag import ng refined sugar upang mapigilan ang pagtaas ng presyo nito at magkaroon ng buffer stock ang ahensiya.
Sinabi ni Azcona na ayaw na niyang maulit mangyari ang naganap noong August 2022 na umabot ng P130 kada kilo ang refined sugar dahil sa kakulangan sa suplay.
Target ng SRA na magkaroon ng mula 185K metric tons hanggang 200k metric tons ng imbak na refined sugar para sa dalawang buwang buffer stock.
Sa ngayon ang refined sugar ay.may halagang P73 kada kilo hanggang P100 kada kilo.