MANILA, Philippines — Tiniyak ng Quezon City Jail Male Dormitory ang sapat na suplay ng malinis na tubig ang bagong pasilidad nito sa Payatas, Quezon City.
Ang paniniyak ay ginawa ni QC Jail Warden JSupt. Warren Geronimo, kasabay ng kanyang courtesy call sa Maynilad.
Ayon kay Geronimo, nagsagawa ng ocular inspection ang Maynilad Water Services sa jail facility nitong Biyernes.
Layunin din nitong matugunan ang mga pangangailangan sa tubig ng Persons Deprived of Liberty at maiwasan ang anumang summer born disease na maaaring mangyari ngayong panahon ng tag-init.
Dagdag pa ni Geronimo, kailangan din ng mga PDL ng malinis at maayos na kondisyon sa piitan.