^

Metro

PNP hinihintay ‘guidance’ ng CSC sa pagtatanggal ng tattoo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP hinihintay âguidanceâ ng CSC sa pagtatanggal ng tattoo
Philippine National Police (PNP) chief PGen. Rommel Francisco Marbil
PNP / Facebook

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Rommel Francisco Marbil na hinihintay lamang nila ang “gui­dance” mula sa Civil Service Commission (CSC) kaugnay ng pagpapatanggal ng mga tattoo ng mga pulis.

Ayon kay Marbil, pansamantalang ipinatigil ang naturang hakbang dahil sa posibleng negatibong epekto sa kalusugan ng pagpapatanggal sa mga tattoo.

Kasabay nito, sinabi ni Marbil na hindi niya ipinag-utos ang pag-imbentaryo sa mga pulis na may tattoo dahil ayaw niya na magkaroon ng diskriminasyon sa kanilang hanay.

Paliwanag ng PNP chief, wala pa namang polisiya ang PNP tungkol sa mga tattoo kaya isinangguni nila sa CSC ang isyu.

Mas makabubuti kung manggaling sa CSC ang kautusan upang maiwasan ang anumang argumento.

Matatandaan na una nagpaalala ang PNP hinggil sa pagbabawal sa pagpapatattoo, su­balit agad ding binawi .

Gayunman, binigyang-diin ng PNP chief na kailangang kagalang-galang ang itsura ng mga pulis para respetuhin ng mamamayan.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with