UdM, nag-level up na – Mayor Lacuna

MANILA, Philippines — Masayang inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na nag-level up na ang Universidad de Manila (UdM), na isa sa mga pamantasan na pinatatakbo ng pamahalaang lungsod.

Mismong si Lacuna, kasama sina UdM President Felma Carlos-Tria, ang UdM Regent and Honorary Consulate to the Republic of Peru na si Ambassador Francis Chua, ang nanguna sa pagbubukas ng bagong Technology Wing sa nasabing pamantasan, kung saan may bago nang high-tech na mga pasilidad at mga kagamitan.

Nagkaroon din ng unveiling ng rebulto ng Embahador sa lobby ng iskul bilang pagbibigay karangalan sa kanyang mahalagang kontribusyon sa unibersidad.

Ang okasyon ay sinaksihan nina Vice Mayor Yul Servo, maybahay ni Chua na si Betty Ang, ang kanilang mga anak , Dr. Rejan L. Tadeo, UdM’s Director for Quality Assurance, Accreditation, Compliance and Linkages; Emmanuel ‘Cris’ Gatdula, Director for Information and Communications Technology at UdM Vice President for Comptrollership Jeffrey Litan. Nagpasalamat din si Lacuna kay Chua na nagkaloob ng bagong computer at tumulong pa sa rehabilitasyon ng tatlong computer laboratories at apat na lecture rooms at maging ang hiwalay na comfort rooms para sa lalaki at babae.

Show comments