MANILA, Philippines — Muli na namang aarangkada ngayong Lunes, Mayo 6, ang pagbibigay ng libreng pneumonia vaccine para sa mga senior citizen ng lungsod Valenzuela.
Sa pagkakataong ito, apat na barangay sa lungsod ang dadayuhin para sa libreng bakuna.
Nabatid na mula ngayon hanggang Mayo 10, maghapong isasagawa ang vaccination sa Valenzuela City Peoples Park sa Barangay Karuhatan.
Mula Mayo 13 hanggang 17 naman, sunod na isasagawa ang pagbabakuna sa Muli na namang aarangkada ngayong Lunes, Mayo 6, ang pagbibigay ng libreng pneumonia vaccine para sa mga senior citizen ng lungsod Valenzuela.Arena sa Barangay Punturin, habang Mayo 20 hanggang 24 sa Polo Park, Barangay Poblacion.
Huling isasagawa ang pneumonia vaccination sa Valenzuela Peoples Park sa Mayo 27 hanggang 31.
Paalala ng LGU, kailangang may edad 60 pataas ang mga senior citizen na magpapaturok ng bakuna at ipatutupad ang “first-come, first-served basis”. Kailangan din nilang dalhin ang kanilang Valenzuela OSCA ID, Medical clearance at iba pang requirements.