PMGen. Francisco, bagong CIDG chief
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Philippine National Police(PNP) chief PGen. Rommel Francisco Marbil si PMajor Gen. Leo Francisco bilang bagong hepe ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Kabilang si Francisco sa tatlong matataas na opisyal na binalasa ni Marbil ngayong buwan.
Pinalitan ni Francisco bilang CIDG chief si PMaj. Gen. Romeo Caramat, Jr. na ngayo’y pinuno ng Area Police Command-Northern Luzon na isang 3-star post.
Itinalaga naman bilang hepe ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) si PBGen. Matthew Baccay bilang kapalit ni Francisco.
Epektibo ang naturang rigodon kahapon, Mayo 2.
- Latest