29-anyos driver niratrat ng tandem, todas
Mistaken identity, sinisilip
MANILA, Philippines — Posibleng biktima ng “mistaken identity” ang isang isang driver na pinagbabaril at napatay ng riding-in-tandem kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Arvin Lacuesta, 29, stay-in driver ng No. 80 Lagmay St. Brgy. Balong Bato, San Juan City. Siya ay agad nasawi sa lugar sa tinamong limang tama ng bala sa katawan.
Sa imbestigasyon ni PSSg Nido B Gevero ng Quezon City Police District-Criminal Investigation ang Detection Unit (QCPD-CIDU) nangyari ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa G. Araneta Avenue corner Bayani St., Brgy. Santol, Quezon City.
Papauwi na at minamaneho ni Lacuesta ang puting Fortuner habang sakay nito ang kanyang amo na si Allain Bustamante Ancheta na Revenue Officer IV ng Bureau of Internal Revenue Region VII-A (Quezon City Area). Dito ay hinarang sila ng armadong mga suspek na sakay ng motorsiklo.
Agad na pinaputukan ng mga suspek ang biktima habang mabilis namang nakalabas ng sasakyan si Ancheta.
Isa sa mga tinitignang anggulo ng pulisya ay “mistaken identity” kung saan target ng mga suspek ang nasabing BIR officer.
Narekober ng SOCO Team ng QCPD-FU sa pangunguna ni PCpt John Agtarap ang limang basyo ng bala ng ‘di pa tinukoy na kalibre ng baril sa crime scene.
Inaalam na rin ng pulisya ang kuha ng CCTV sa lugar na maaaring makatulong upang matukoy ang mga suspek
- Latest