‘Kilos Kyusi Store’ binuksan ng Quezon City-LGU

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagbubukas sa publiko ng Kilos Kyusi Store para sa layong maghatid ng mga Pre-loved goods sa mamamayan na may murang halaga lamang.
Ang mga produkto ng Kilos Kyusi Store ay tulad ng damit, sapatos, bags, at iba pang accesories sa halagang P100 hanggang P300 lamang na makikita sa lagoon area ng QC Hall compound mula alas-8 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Ayon kay Mayor Belmonte, ang malilikom na pondo mula sa proyekto ay ilalaan sa learning recovery program ng QC-LGU para sa mga kabataang hirap magbasa, magsulat, at magbilang.
Aniya, sa tulong ng proyekto, masosolusyunan ang textile pollution o textile waste at matutulungang maresolba ang problema sa edukasyon ng mga ordinaryong Pilipino.
Hinikayat ni Belmonte ang QCitizens na makiisa at suportahan ang mga programa at proyekto upang mas lalo pang mapalago ang ekonomiya ng lungsod.
Kasama ni Belmonte sa pagbubukas ng Kilos Kyusi Store si QC Vice Mayor Guian Sotto at mga lokal na opisyal ng lungsod.
- Latest