MANILA, Philippines — Hnuli ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong katao na ilegal na nagbebenta ng SIM cards sa Maynila.
Kinilala ng NBI ang mga suspek na sina Kim Thi Ta, Ria Nunez Sto. Domingo, at Mary Joy Llamera Sto. Domingo na nahuli sa isinagawang operasyon ng Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) ng NBI sa Tondo, Maynila sa bisa ng search warrant na naipalabas ng korte laban sa mga ito.
Nakuha mula sa mga ito ang pre-registered SIM cards, cellular phones, computer sets at GSM Modem/Text Blaster.
Ang mga ito ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act (RA) 11934 o SIM Registration Act.