MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na epekto ng El NIño phenomenon o panahon na walang ulan at summer season, tinaya ng PAGASA na papalo mula 40.3 hanggang 40.7 ang temperatura sa Northern Luzon hanggang sa katapusan ng Mayo.
Sinabi ni Dra. Ana Solis, hepe ng Climate Monitoring and Prediction ng PAGASA, nakapagtala na ang Isabela ng 40 temperatura nitong nagdaang April 15 at patuloy pa ang pagtindi ng init ng panahon kayat inaasahan na ang pagtaas pa dito ng temperatura.
Binigyang diin ni Solis na mas matindi ang init na nararamdaman sa mga Urban areas o ang Urban Heat Island Effect dahil matindi ang init ng solar heat emission na tumatama sa mga semento tulad ng mga bato, gusali, kalsada na gawa sa semento kayat napakainit ng pakiramdam sa urban areas laluna kung lalabas ng etablisimyento o tahanan.
Binigyang diin ni Solis na tataas sa 36.9 maximum daytime temperature.
Umaasa naman ang PAGASA na sa pagpasok ng buwan ng Hunyo ay maglaho na ang panahon ng El Niño tuloy makaranas na ng katamtaman at normal na panahon ang bansa lalu na ang Metro Manila.