MMDA, LGUs handa na vs tigil-pasada

Photos show modern jeepneys and traditional jeepneys as they wait for passengers along Escoda Street in Manila on April 13, 2024.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

Libreng sakay kasado na

MANILA, Philippines — Kasado na ang mga contingency measure ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), maging ng mga local government units partikular sa Kalakhang Maynila sa isasagawang dalawang araw na tigil-pasada ng transport groups na PISTON at Manibela na ikinasa sa darating na Lunes at Martes.

Ito’y kahit nakasabay pa nito ang pagsisimula ng pagpapatupad ng MMDA ng regulasyon sa pagbabawal sa e-bike, e-trike, light electric vehicle, tricycles, pedicab, kariton, at  kuliglig sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ani MMDA Chairman Don Artes, tutugunan ng MMDA ang transport strike na gagawin ng Manibela at PISTON sa pamamagitan ng mga itatalagang mga libreng sakay katuwang ang LGUs para sa mga maapektuhan ng transport strike.

“Contingency mea­sures are in place and we will monitor particular areas where the two transport groups reportedly have members. Libreng sakay vehicles will likewise be on standby and are ready to be dispatched to accommodate those who will be affected,” ayon pa kay Artes.

Samantala, nilinaw ni Artes na walang pagbabago sa ipatutupad na number codings scheme adjusted work hours para sa local government units.

Show comments