^

Metro

Transport strike, hindi na uso - ALTODAP

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

‘Magnificent 7’ dedma sa tigil-pasada

MANILA, Philippines — Inihayag ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) na ang Magnificent 7, ang malalaking grupo ng transportasyon kung saan sila kabilang ay hindi kasama sa planong tigil pasada ng Manibela at Piston sa Lunes April 15.

Ayon kay ALTODAP president Boy Vargas na kanya ring sinabihan ang Manibela at Piston na hindi na uso ngayon ang transport strike at mag-consolidate na lamang para sa modernisasyon.

Binigyang diin ni Vargas na hindi na dapat pang pahirapan ng mga driver at operator ang mga commuters dahil binigyan naman ang lahat ng hanay ng transportasyon na mag- consolidate at ilang beses na rin itong na extend.

Kaugnay nito, nanawagan din si Vargas sa pamahalaan na kung maaari ay ito na lamang ang magpautang sa mga driver-operator  para makabili ng modernized jeep na utay-utay na babayaran pero mayroon naman anya silang 27 buwan  makaraan ang  consolidation bago ang pagkuha ng  modernized jeepney .

Ang Magnificent 7 ay kinabibilangan ng mga jeepney group na Altodap, Fejodap, Pasang Masda, Alliance of Concerned Transport Organization, LTOP at Stop and Go Coalition.

TRANSPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with