MANILA, Philippines — Inaasahang masisimulan na sa Oktubre ang pagtatayo ng Metro Manila leg ng North-South Commuter Railway (NSCR) project, ayon sa Philippine National Railways (PNR).
Ang NSCR ay ang 147-kilometer rail line mula Clark, Pampanga hanggang Calamba, Laguna.
“In Metro Manila, we are currently in the process of doing three things. Number one, we’re doing the fencing activities… Number two, track removal… three, clearing operations,“ ayon kay PNR chairman Michael Ted Macapagal .
“Siguro by October tapos na ‘yung fencing at track removal activities, so construction immediately follows,” dagdag ni Macapagal.
Noong Marso 28 nang itigil ang operasyon ng biyaheng Tutuban-Alabang upang bigyang-daan ang pagtatayo ng NSCR.
Kasama sa Metro Manila leg ng NSCR ang pagtatayo ng mga elevated na mga track at istasyon mula Blumentritt sa Maynila hanggang Sucat sa Parañaque City.
Samantala, nagawa na ang ground breaking ang Alabang-Calamba leg noong pang Hulyo ng nakalipas na taon.
Target ng NSCR na matapos ang kabuuang linya pagsapit ng 2028 subalit bago pa aniya, ang 2027 ay operational na ang northern line dahil ang Tutuban to Malolos at Malolos to Clark ay mahigit sa 50% nang nakumpleto.
“However, I can confidently say that the stations themselves…these are 80% to 85% kaya mabilis na lang ‘yan. I predict that by 2026, maybe even 2027, we can already start to run trial trains… before elections of 2028 we can open up that line in full operational mode,” dagdag pa nito.