^

Metro

Konstruksyon ng Metro Manila North-South railway, lalarga na sa Oktubre

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahang masisimulan na sa Oktubre ang pagtatayo ng Metro Manila leg ng North-South Commuter Railway (NSCR) project, ayon sa Philippine National Railways (PNR).

Ang NSCR ay ang 147-kilometer rail line mula Clark, Pampanga hanggang Calamba, Laguna.

“In Metro Manila, we are currently in the pro­cess of doing three things. Number one, we’re doing the fencing activities… Number two, track removal… three, clearing operations,“ ayon kay PNR chairman Michael Ted Macapagal .

“Siguro by October tapos na ‘yung fencing at track removal activities, so construction imme­diately follows,” dagdag ni Macapagal.

Noong Marso 28 nang itigil ang operasyon ng  biyaheng Tutuban-Alabang  upang bigyang-daan ang pagtatayo ng NSCR.

Kasama sa Metro Manila leg ng NSCR ang pagtatayo ng mga elevated  na mga track at istasyon mula Blumentritt sa Maynila hanggang Sucat sa Parañaque City.

Samantala, nagawa na ang ground breaking ang Alabang-Calamba leg noong pang Hulyo ng nakalipas na taon.

Target ng NSCR na matapos ang kabuuang linya pagsapit ng 2028 subalit bago pa aniya, ang 2027 ay operational na ang northern line dahil ang Tutuban to Malolos at Malolos to Clark ay mahigit sa 50% nang nakumpleto.

“However, I can confidently say that the stations themselves…these are 80% to 85% kaya mabilis na lang ‘yan. I predict that by 2026, maybe even 2027, we can already start to run trial trains… before elections of 2028 we can open up that line in full ­operational mode,” dagdag pa nito.

PNR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with