Higit 20K babae sa Quezon City sumailalim sa libreng breast cancer screening
MANILA, Philippines — Pinangunahan ng Quezon City Health Department ang pagkakaloob ng libreng breast cancer screening sa may 22,476 kababaihan mula sa anim na distrito ng lungsod.
Sa naturang bilang, nadiskubre na may 146 indibidwal ay positibo sa breast mass.
Umaabot sa 8 kababaihan ang nadala sa East Avenue Medical Center para maoperahan at magamot habang ang 133 ay isinailalim sa mammograms sa Quezon City General Hospital.
. “Cancer ang isa sa mga sakit na mataas ang mortality rate sa Quezon City. Madali lang itong matugunan kung maaagapan at mabibigyan agad ng atensyon para hindi na lumala pa,” sabi ni Mayor Joy Belmonte.
Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong nagdaang taon, ang sakit na cancer ang ikalwang dahilan ng kamatayan ng maraming Pilipino na ang marami ay may lung, liver, breast, colorectal, at prostate cancers.
“Batid natin na kakulangan sa panggastos ang problema ng mga mamamayan kaya nagkakaroon ng pagdadalawang-isip sa pagpapa-check up at pagpapakonsulta. Kaya tinitiyak ko na nakaagapay ang lokal na pamahalaan sa kanila hanggang sa kanilang paggaling sa sakit,” dagdag ni Mayor Belmonte.
- Latest