Ilang bilanggo sa Quezon City Jail inilipat sa bagong pasilidad sa Payatas

Personal na binisita ni Quezon City ­Mayor Joy Belmonte ang bagong bukas na pasilidad para matukoy ang pangangailangan ng mga bilanggo.
AFP / Maria Tan

MANILA, Philippines — Para maiwasan ang congestion o pagsisiksikan ng mga bilanggo sa Quezon City Jail Male Dormitory, inuumpisahan na ang paglipat ng ilan sa kanila sa bagong bukas na jail facility sa Barangay Payatas sa lungsod.

Personal na binisita ni Quezon City ­Mayor Joy Belmonte ang bagong bukas na pasilidad para matukoy ang pangangailangan ng mga bilanggo.

Ayon kay Belmonte, hindi hadlang ang pagi­ging PDL para makamit at makatanggap ng serbisyo mula sa lokal na pamahalaan.

Dahil dito, maglalaan ang pamahalaang lungsod ng iba’t ibang oportunidad sa mga inmates tulad ng pag-aaral, trainings at livelihood.

Minabuting simulan na ang paglilipat sa ilan sa mga ito  dahil na rin sa nararanasang sobrang init sa mga piitan sa kasalukuyan.

Show comments