Ilang bilanggo sa Quezon City Jail inilipat sa bagong pasilidad sa Payatas
MANILA, Philippines — Para maiwasan ang congestion o pagsisiksikan ng mga bilanggo sa Quezon City Jail Male Dormitory, inuumpisahan na ang paglipat ng ilan sa kanila sa bagong bukas na jail facility sa Barangay Payatas sa lungsod.
Personal na binisita ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang bagong bukas na pasilidad para matukoy ang pangangailangan ng mga bilanggo.
Ayon kay Belmonte, hindi hadlang ang pagiging PDL para makamit at makatanggap ng serbisyo mula sa lokal na pamahalaan.
Dahil dito, maglalaan ang pamahalaang lungsod ng iba’t ibang oportunidad sa mga inmates tulad ng pag-aaral, trainings at livelihood.
Minabuting simulan na ang paglilipat sa ilan sa mga ito dahil na rin sa nararanasang sobrang init sa mga piitan sa kasalukuyan.
- Latest