No. 7 most wanted, arestado

Kinilala ang nasakoteng wanted na si Jayson Santos, 41, ng Barangay Bagong Barrio, Caloocan City .
STAR/KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Bumagsak sa mga operatiba ng pulisya ang itinuturing na No. 7 most wanted person sa isinagawang operasyon sa Brgy. Greater Fairview, Quezon City nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang nasakoteng wanted na si Jayson Santos, 41, ng Barangay Bagong Barrio, Caloocan City .

Natunton ang suspect ng mga operatiba ng Fairview Police Station (PS) 5 sa Camaro Street, Brgy. Greater Fairview sa lungsod.

Dinakip ang suspect sa bisa ng  warrant of arrest sa kasong pagnanakaw na inisyu ng Metropolitan Trial Court Branch 39, National Ca­pital Judicial Regional, Quezon City.

Nagpapatuloy naman ang pinaigting na operasyon ng QCPD laban sa lahat ng mga wanted sa batas.

Show comments