Ospital na inakusahan ng ‘palit ulo’ naghain ng counter affidavit

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ng Allied Care Experts Medical Center ang paratang na ‘pangho-hostage’ sa ilang kaanak ng nasawi nilang mga pasyente.

Sa kanilang isinumiteng counter affidavit sa Valenzuela Prosecutors Office, sinabi ng ospital na walang elemento ng illegal detention laban kina Richel Alvaro at Lovery Santos-Magta­ngob dahil nasa isang opisina ito at pagala-gala.

Hindi rin naka-lock ang lugar at malayang nakakatawag.

Tatlo sa mga ­empleyado ng ospital ang kinasuhan ng serious at slight physical detention.

Ngunit tiniyak naman ng mga complainant na hindi sila magpapa-areglo sa pamunuan ng ospital at sa halip nais nilang managot ang mga ito.

Ayon naman kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian kailangan din sa negosyo ang pagkakaroon ng compassion at hindi basta lamang kumita.

Magugunitang humarap nitong Miyerkules si Alvaro at Magtangob matapos na mabiktima ng “palit ulo” bunsod ng hindi mabayarang hospital bill.

Sa “palit ulo” nakaprenda ang isang kaanak ng namatay hanggat hindi nababayaran ang hospital bill.

Show comments