Maynilad nagsumite na ng SEC registration statement para sa maiden bond issuance

MANILA, Philippines — Nagsumite ang Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ng re­gistration statement sa Securities and Exchange Commission (SEC) para sa P12 bilyong fixed-rate Blue Bonds na may oversubscription option ng hanggang P3 bilyon.

Nagsumite rin ang Maynilad ng aplikasyon para sa confirmation ng Blue Bond label kasama ang registration statement.

Ayon kay Maynilad President at CEO Ramoncito Fernandez, gagamitin ang proceeds para pondohan ang sustainable water at wastewater management projects ng kumpanya.

Sinabi pa ni Fernandez na aangkla ang mga proyekto sa Guidelines on Eligible Blue Projects and Activities for the Issuance of Blue Bonds in the Philippines ng SEC.

“This inaugural public issuance marks a significant milestone not only for Maynilad but also for the country, as it is the first PHP-denominated fixed-rate Blue Bond to be registered with the SEC. The proceeds from this issuance will propel crucial capital expenditure projects that will enhance water and wastewater services for communities across our West Zone,” pahayag pa ni Fernandez.

Nabatid na ang BPI Capital Corporation ay ang Sole Issue Ma­nager, habang ang BDO Capital & Investment Corporation, First Metro Investment Corporation at East West Banking Corporation ay ang Joint Lead Underwriters at Joint Bookrunners for the Offer.

Show comments