^

Metro

PRC naka-high alert ngayong Semana Santa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naka-high alert ang Philippine Red Cross (PRC) ngayong inoobserbahan sa bansa ang Semana Santa.

Sa isang pahayag, tiniyak ng PRC na handa silang rumesponde sa anumang medical emergencies na maaaring maganap habang inoob­serbahan sa bansa ang Mahal na Araw.

Ayon sa PRC, mula Marso 24 hanggang 31 ay nagpakalat na sila ng mahigit 2,000 volunteers upang mag-operate sa mahigit 200 first aid stations, ambulance units, at roving units na inilagay sa mga istratehikong lugar sa bansa, kabilang na ang mga pantalan, pali­paran, mga pangunahing highways, bus terminals, at mga simbahan.

Sinabi ni PRC Chairman at CEO Richard “Dick” Gordon na para sa maraming Pinoy, ang Mahal na Araw ay isa ring pagkakataon upang bisitahin ang kanilang mga mahal sa buhay sa mga lalawigan kaya’t dapat lamang na paigtingin ang paghahanda para sa medical emergencies.

Ilan umano sa mga serbisyong iniaalok nila ay first aid, tulong para sa mga taong nawawalan ng companions o kaanak, referral assistance at psychosocial support.

Samantala, para sa ligtas na biyahe, nagbigay ng ilang Road Safety Tips ang PRC tulad ng pag-iwas sa pag-inom ng alak kung magmamaneho, pag-iwas sa pagmamaneho kung inaantok, pagpaplano ng ruta ng destinasyon bago magmaneho, pag-check sa kondisyon ng sasakyan upang matiyak kung ligtas itong gamitin, paggamit ng helmet at iba pang safety gears kung magmamaneho ng motorsiklo at sasakay ng bisikleta. Dapat ring magdala ng first aid kit, alamin ang mga emergency contacts gayundin ang lagay ng panahon at driving conditions.

Payo pa ng PRC, i-install ang first aid na IFRC app, na libre, simpleng gamitin at maaaring makapagligtas ng buhay.

PHILIPPINE RED CROSS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with