MANILA, Philippines — Pinayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ilang road works na isasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at isang telecommunication company sa mga pangunahing kalsada sa ngayong Semana Santa.
Sinabi ni MMDA Acting Chairman Don Artes, ang Holy Week break ang pinakamainam na oras para sa mga contractor na tapusin ang kanilang mga gawain at reblocking activities dahil mas kaunting mga sasakyan ang nasa mga lansangan ng Metro Manila, na karamihan ay nagtutungo sa mga lalawigan.
“The clearance for the 24-hour road works aims to strike a balance between maintaining infrastructure and minimizing disruptions and inconvenience to motorists after the significantly religious holidays,” ani Artes.
Magsisimula ito sa Miyerkules, Marso 27 alas-11:00 ng gabi na tatagal ng 24 oras sa kada araw hanggang sa sumapit ang Lunes, Abril 1 ng alas-5:00 ng umaga.