^

Metro

2 fire volunteer sugatan, 200 bahay natupok

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 fire volunteer sugatan, 200 bahay natupok
Tumulong na ang mga residente sa mga bumbero na maapula ang mala king sunog na tumupok sa may 200 kabahayan sa Aroma Temporary Hou sing sa Barangay 105, Tondo, Manila nitong Huwebes ng gabi. Dalawang fire volunteer ang sugatan habang nasa 600 pamilya ang nawalan ng tira han sa sunog na umabot sa ikalimang alarma.
Miguel de Guzman

Sunog sumiklab sa Tondo:

MANILA, Philippines — Dalawang fire volun­teer ang nasugatan sa isang sunog na sumiklab sa isang residential area na ikinatupok ng may 200 kabahayan sa Tondo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Nakilala ang mga fire volunteers na bahagyang nasugatan sa sunog na sina Nilo Noque, 17, ng Central Tondo Fire Volunteers Group at Marky Villanueva, 30, ng JEC.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na dakong alas-10:34 ng gabi nang magsimulang sumiklab ang sunog sa Building 29, Aroma St., Temporary Building, Barangay 105, Tondo.

Umabot ito sa ikalimang alarma bago tuluyang naideklarang fire out  dakong alas-5:26 ng madaling araw.

Ayon sa Manila BFP, nagsimula ang sunog sa dalawang palapag na bahay na pagmamay-ari ng isang Sharon Vinco at mabilis na kumalat sa nasa halos 200 kabahayan, na pawang gawa sa mga light materials.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, nasa 600 pamilya o 1,800 indibiduwal ang naapektuhan ng sunog. Tinataya namang nasa P6.5 milyon ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

Samantala, nagbigay ng hot meals ang Manila Social Welfare Department sa mga biktima ng sunog na pansamantalang kinakanlong sa isang covered court.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy.

BFP

JEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with