^

Metro

Pagbabasa muling palalakasin, library daragdagan – NBDB

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa bumababang bilang ng mga nagbabasa ng libro, komiks at iba pa, muling palalakasin ng National Book Development Board (NBDB) ang readership ng Pinoy sa bansa.

Sa ginanap press conference sa Quezon City, sinabi ni NBDB Chairperson Dante ‘Klink’ Ang II, layon nilang pataasin ang sistema at antas ng pagbasa ng bata gayundin ng mga magulang.

Ayon kay Ang, maglalagay sila ng mga library o book nook sa mga common areas kabilang ang mga palengke at terminals kung saan maaaring magbasa ng libro ang isang indibiduwal.

Aminado si Ang na nakababahala ang mababang resulta sa isinagawang National Readership Survey hinggil sa pagbabasa ng libro.

Sinabi ni Ang na maaari namang mapataas ang readership at literacy kung magtutulong ang magulang at bata sa pamamagitan ng paglalaan ng oras na magbasa ng libro sa halip na pagse cellphone ng higit sa dalawang oras.

Paliwanag ni Ang ilalapit ng NBDB ang mga library sa bahay at pamayanan kung saan makababasa ng libreng libro ang publiko na magbibigay ng dagdag kaalaman. Maging ang mga liblib at ‘armed conflict areas’ ay lalagyan din ng mga library kung saan mababasa ang mga non school books.

Giiit naman ni Charisse Aquino-Tugade, NBDB Executive Director kailangan lamang ang holistic approach upang maibalik ang nakasanayang pagbabasa ng mga libro sa bansa.

NATIONAL BOOK DEVELOPMENT BOARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with