Pasahero sa NAIA timbog sa droga
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng PNP-Aviation Security Unit at NAIA-PDEA-IADITG ang Isang pasahero matapos makuhanan ng illegal na droga sa final security check sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Kinilala lang ang naarestong suspek sa alyas na “Alvin Rojo”, tubong Negros Occidental.
Ayon sa ulat, nag check-in ang pasahero kasama ang anak nitong batang lalaki ng dakong alas-8:20 ng gabi para sa kanilang flight (PR-2121) patungong Bacolod sa NAIA Centennial Terminal.
Habang nasa walkthrough ang pasahero, nagdeklara siyang may laman na prohibited drugs ang kanyang bag at itapon na lang umano sa basurahan para makasakay lang sila ng anak niya sa kanilang flight pauwing probinsiya.
Pero hindi pumayag ang OTS personnel at agad nilang inireport ito sa PNP- AVSEU at NAIA-PDEA.
Ayon kay NAIA-PDEA-IADITG commander Gerald Javier, habang isinasagawa ang inspection, tumambad sa kanila isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na isiningit sa loob ng bag, glass tube at dalawang lighter.
Nakuha rin mula sa suspect ang iba’t ibang ATM cards, tatlong cellphone at isang tablet.
Dinala na ang naarestong pasahero sa Camp Crame para sa medical exam bago siya dadalhin sa PDEA main office sa Quezon City.
- Latest