^

Metro

2 sekyu niratrat ng tandem: 1 todas

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
2 sekyu niratrat ng tandem: 1 todas
Kinilala ng Imus City Police ang nasawi na si Ramil Talaroc, 37-anyos habang ang kasamang guwardya na sugatan ay si Rene Valencia, 42, kapwa ng Liwayway Company.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang security guard habang malubhang nasugatan ang kanyang kabaro matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Anabu 1C, Imus City, Cavite niotng Biyernes ng gabi.

Kinilala ng Imus City Police ang nasawi na si Ramil Talaroc, 37-anyos habang ang kasamang guwardya na sugatan ay si Rene Valencia, 42, kapwa ng Liwayway Company.

Sa imbestigasyon, katatapos lang mag-duty ang dalawang biktima at pauwi na nang sila ay pagbabarilin nang malapitan ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo habang ang mga biktima ay nag-aabang ng masasakyan sa may Aguinaldo Highway.

Agad na nasawi sa lugar si Talaroc habang mabilis na dinala sa pagamutan si Valencia ng mga bystanders.

Sa imbestigasyon, isa sa mga suspek ay nakasuot ng Joyride uniform na may blue helmet habang ang isa ay nakaputing t-shirt. Mabilis silang tumakas patungo sa direksyong Bacoor matapos ang pamamaril.

Ayon kay Lt. Col Jack Angog, Imus City police chief, nangangalap na sila ng mga CCTV footages sa lugar na makakatulong sa pagtukoy sa mga suspek habang nagsagawa na ang Ca­vite Provincial Forensic Unit ng pagsusuri sa crime scene kasabay ng imbestigasyon sa insidente

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with