^

Metro

Comelec, nagtakda ng voting hours sa seniors, PWDs at buntis sa 2025 polls

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagtakda ang Commission on Elections (Comelec) ng two-hour window upang eksklusibong makaboto ang mga senior citizens, persons with disability (PWDs) at mga buntis para sa 2025 National and Local Elections (NLE).

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ilalaan nila ang 5:00 ng umaga hanggang 7:00 ng umaga upang eksklusibong magamit ng mga seniors, PWDs at mga buntis ang mga voting precincts upang hindi sila mahirapan sa pagboto.

Gayunman, kaagad na nilinaw ni Garcia na maaari pa rin naman silang bumoto sa ibang oras kung kailan nila naisin.

“Lahat po ng mga presinto sa buong Pilipinas boboto ang mga nakatatanda, may mga kapansanan at nagdadalang tao ng 5 a.m. hanggang 7 a.m., exclusive sa kanila,” ani Garcia, sa isang ambush interview, sa idinaos na special satellite voters’ registration sa Quezon City nitong Miyerkules.

“Pero hindi po nanga­ngahulugan na kung ayaw man ng iba na bumoto ng ganung oras pwede pa rin silang bumoto sa regular na oras po,” aniya pa.

Dagdag pa ng poll chief, nasa 12 mil­yong senior citizens at 600,000 PWDs ang inaasahan nilang boboto sa midterm polls.

Paglilinaw naman niya, hindi nila ire-require ang mga seniors at PWDs na bumoto sa Emergency Accessible Polling Places (EAPP) at maaari silang mamili kung saan sila boboto.

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with