^

Metro

Operasyon ng PNR, tigil muna simula Marso 28

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Operasyon ng PNR, tigil muna simula Marso 28
Photo shows two separate train sets of the Philippine National Railways.
Released / Philippine National Railways

MANILA, Philippines — Simula sa Marso 28, Huwebes Santo, ay pansamantala munang ititigil ng Philippine National Railways (PNR) ang kanilang operasyon, upang bigyang-daan ang konstruksiyon ng North-South Commuter Railway (NSCR) project.

Nabatid na pansamantalang isasara ng PNR ang kanilang Governor Pascual-Tutuban at Tutuban-Alabang operations.

“The Philippine National Railways (PNR) will temporarily halt its Governor Pascual-Tutuban and Tutuban-Alabang operations to accelerate the construction of the North-South Commuter Railway (NSCR) project in Metro Manila. The halt in operations will commence on March 28, 2024,” anunsiyo pa ng PNR.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Railways Jeremy Regino na ang huling biyahe ng PNR ay sa Marso 27, Miyerkules Santo.

Sinabi naman ni DOTr Secretary Jaime Bautista na magtatagal ang tigil-operasyon ng PNR hanggang sa tuluyang matapos ang konstruksiyon at magsimula ang operasyon ng NSCR.

Paliwanag pa ni Bautista, nagpasya silang suspendihin ang operasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero habang isinasagawa ang konstruksiyon ng NSCR.

Sa isang pahayag, sinabi naman ng DOTr na sa panahon ng suspensiyon ng operasyon sa Metro Manila, inaasahang bibilis ang konstruksiyon ng NSCR ng walong buwan, at magreresulta upang makatipid ang pamahalaan ng P15.18 bilyon mula sa proyekto.

Tiniyak rin naman ng DOTr na katuwang ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB), ay naghanda na sila ng mga alternatibong bus routes upang siyang magsakay sa mga pasaherong maaapektuhan ng suspensiyon ng operasyon ng PNR.

PNR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with