MANILA, Philippines — Dalawang high value drug personalities ang inaresto sa ikinasang buy-bust operation matapos masamsam sa kanila ang tinatayang mahigit sa P12 milyong halaga ng iligal na droga, sa Pasay City, Huwebes ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Salim, 52; at alyas Allan, 51, na nakatakdang sampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002).
Nadakip ang mga suspek sa ikinasang operasyon alas-11:10 ng gabi kamakalawa sa Barangay 111, Pasay City.
Nasamsam sa mga ito ang kabuuang 1.830 kilo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa isang malaking sachet.