MANILA, Philippines — Ang masangsang na amoy ang naging daan upang madiskubre ang nakabigti at naaagnas nang bangkay ng isang lalaki na nakasabit sa puno sa Quezon City.
Nakasuot pa ng pantalon, itim na hoodie, rubber shoes at cap ang lalaki nang madatnan ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU).
Ayon kay Gevero, natagpuan ang bangkay dakong alas-10 ng umaga nitong Huwebes sa loob ng tower 11 MWSS Compound, Quirino Highway, Brgy. Greater Lagro, QC.
Napag-alamang ilang construction worker ng MRT-7 ang nagbigay ng impormasyon sa mga forest protection officers na sina Roden Lacbayen at Orlando Guira na nakalanghap sila ng masangsang na amoy sa lugar.
Nang tunguhin ang lugar dinatnan nila ang bangkay na may electrical cord na nakapulupot sa leeg na nakasabit sa puno.
Dahil dito, pinaniniwalaang nag-suicide ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan ng biktima.