MANILA, Philippines — Aminado si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting Chairman Don Artes na hindi sapat ang kabuuang bilang ng traffic enforcer para sakupin ang lahat ng lansangan sa Metro Manila.
Ayon kay Artes sa kasalukuyan nasa 2,500 traffic enforcers lang mayroon ang MMDA kaya imposibleng malagyan lahat ang 16 na city at isang municipality,
Patungkol ang isyu sa naging desisyon ng Korte Suprema na ang MMDA lamang ang traffic enforcement body para sa pagpapatupad ng trapiko sa Metro Manila.
Sa desisyon na inilabas ng Korte Suprema nitong Lunes, ang MMDA ay may eksklusibong kapangyarihan na bumalangkas ng mga patakaran sa trapiko sa kalsada sa NCR.
Nangangahulugan ito na ang mga enforcer mula sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay hindi na papahintulutan na mag-isyu ng mga traffic violation ticket at mangumpiska ng mga lisensya ng mga lumalabag na driver.
Upang mapunan ang kinakailangang manpower, sinabi ni Artes na kasalukuyang nakikipag-usap ang kanyang ahensya sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa posibilidad na italaga ang kanilang mga local enforcer sa MMDA.
Ang pagpipiliang ito ay ginawang magagamit din ng desisyon ng Korte, na nagsabing “ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila “ay maaaring lumahok sa[pagpapatupad ng mga batas trapiko, mga patakaran, at mga regulasyon] lamang kapag ang MMDA ay nagtalaga ng kanilang mga traffic enforcer.”
Tungkol naman sa proseso ng deputizing local enforcers, sinabi ng MMDA official na pag-aaralan pa nila kung awtomatiko nilang ma-absorb o hindi ang mga enforcer sa kanilang hanay.
Ipinaliwanag ni Artes na kailangang tiyakin nila na kwalipikado at daraan sa tamang pagsasanay ang ide-deputize.