Higit 900 aplikante, pasok sa mega job fair ng Caloocan-LGU

Individuals queue to fill out application forms at a mega job fair inside a mall in San Lazaro, Manila on January 25, 2024.
STAR/ Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nasa 909 aplikante ang nakakuha ng trabaho on-the-spot sa mga private companies sa isinagawang “Mega Job Fair” ng Caloocan LGU na bahagi ng kanilang ika-62 taong ­anibersaryo.

Ayon kay City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, ang job fair ay pagbibigay pagkakataon sa mga nag­hahanap ng trabaho upang magkaroon ng ikabubuhay.

“Nagpapasalamat po ako sa ating Public Employment Service Office, sa DOLE, at sa mga katuwang na­ting pribadong kum­panya para sa pagtutulungan upang ma­ging matagumpay ang pagdaraos ng mga mega job fair.

Nabatid na tatlong araw isinagawa ang job fair kasabay ng pagdiriwang ng Cityhood Anniversary.

Gayunman, tiniyak ni Malapitan na hindi lamang tuwing ani­bersaryo ng lungsod magsasagawa ng job fair. Sa katunayan, nakikipag-ugnayan na ang PESO sa iba’t ibang kumpanya para sa posibleng pangangailangan ng masisipag na ­empleyado.

Dagdag pa nito, hangad nilang mabigyan ng disenteng pamumuhay ang bawat residente ng Caloocan kung saan kasama rito ang mga vulnerable sectors kagaya ng mga senior citizens, solo parents, at persons with disabilities.

Show comments