MANILA, Philippines — Target ni Philippine National Police chief Gen. Benjamin Acorda na muling buhayin ang paggamit ng pito at batuta sa mga police operations sa bansa.
Kaya naman inutos ni Acorda ang pagrepaso sa patakaran sa paggamit ng baril ng mga pulis na nagsasagawa ng police operations.
Ang kautusan ni Acorda ay kasunod ng conviction ng pulis-Navotas na si Staff Sergeant Gerry Maliban sa kasong homicide dahil sa pagpatay sa 17-anyos na si Jerhode ‘Jemboy’ Baltazar na mistaken identity. Pinatawan ito ng apat hanggang anim na taong pagkakakulong.
Aniya, ang baril ay dapat na huling opsiyon sa police operations.
Magugunitang nililinis ni Baltazar ang isang bangkang pangisda sa Navotas noong Agosto 2023 nang mapagkamalan siyang suspek sa pagnanakaw sa pamamagitan ng pagtugis ng mga pulis.
Nirerespeto naman ng PNP ang desisyon ng korte habang iaapela naman ng pamilya Baltazar ang desisyon.