^

Metro

Body camera gamitin sa paghahain ng warrants – NCRPO

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Body camera gamitin sa paghahain ng warrants – NCRPO
Binigyan diin ni Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na ang nasabing raid ay indikasyon na may anomalya sa operation nang hindi paganahin, sirain ng mga pulis ang kanilang body-worn ca­mera footage.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Muling pinaalalahanan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang kanyang mga tauhan sa paggamit ng body camera kaugnay ng paghahain o pagsisilba ng search warrant o warrant of arrest.

Ayon kay Nartatez, bahagi ito ng ipinatutupad na sistema sa police ­operations na dapat lamang sundin ng mga pulis.

Tungkulin din aniya ng team leader o commander ng bawat unit na siguruhin na gamit ng pulis at naka on ito sa oras ng  police operations.

Matatandaang 10 pulis ang sinibak sa serbisyo nang mapatunayang sangkot sa iligal na pagsalakay sa isang condominium unit sa  Parañaque City noong Set­yembre, 2023 na nag­resulta sa iligal na pag aresto sa apat na Chinese.

Binigyan diin ni Nartatez na ang nasabing raid ay indikasyon na may anomalya sa operation nang hindi paganahin, sirain ng mga pulis ang kanilang body-worn ca­mera footage.

Kinulimbat din ng mga pulis ang nasa mahigit P27 milyon halaga ng personal gamit ng mga Chinese at wala sa  search warrant.

Nagtanim din ng ebidensiya ang mga pulis kabilang ang mga baril.

vuukle comment

NCPRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with