26- anyos binata binistay ng bala

MANILA, Philippines — Sinisiyasat ng pulisya ang insidente ng pamamaril at pamamaslang sa isang binata sa  Brgy.  Batasan Hills,  Quezon City.

Limang  tama ng bala ng baril ang tumama sa katawan ng biktimang si Rexie Catahay, tubong Nueva Ecija at residente ng  Kagawad Road, Talanay Area C, Batasan Hills Quezon City.

Ayon sa pagsisiyasat ni PCpl Wilbur Ramos ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit nangyari ang krimen dakong alas-9:50 ng gabi nitong Linggo sa Masaya Street Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Sa pahayag ng saksing si Joe Salonga, nasa bahay siya nang makarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril.

Tinignan niya ang pinanggalingan ng mga putok at nakita niya ang nakahandusay na katawan ng biktima.

Inaalam na ng pulisya ang mula sa mga CCTV  ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa krimen.

Show comments